Papano, alam ko sa susunod na pagkakataong mabasa ko 'to eh pagtatawanan ko lang ang sarili ko, baka mapikon lang ako. :p
Kanina, naglog-in ako sa isang social network, aka facebook. Nakita ko na opisyal na, meron ka nang syota. Pano, mas may credibility pa ang kapangyarihan ng facebook status kesa sa kung ano pang dokumento... Ewan. Sigurado naman akong wala akong nararamdaman "alam mu na" para sayo, kaso nung nakita ko iyon, para bang may kumurot sa puso ko. Pano kasi ibig sabihin non, kelangan pakawalan ko na ang mga naiisip ko tungkol sating dalawa.
Minsan di ko alam kung kasalanan ko rin to, dahil masyado akong pa-play safe. Pano kung gumaya nalang ako sa ibang babae dyan, na kung sino ang gusto, gagawin ang lahat makuha lamang edi sana, walang ganyang balita ngayon. Pero hindi rin, siguro nga yung mga pangyayaring ito eh yun ang dapat. At ang totoo nyan, may karapatan kang sumaya. Tska, sa totoo lang di naman tayo ganon ka compatible eh, yung mga ideya ko ng kasiyahan, iba ang dating sayo. At ganun din naman ako sa mga ideya mu. Pero, somewhere, kung san man doon, umasa din ako na magtatagpo rin ang mga pag-iisip natin kasi, simula nung una kitang makita, hanggang sa kahapon, gustong-gusto kita.
Malabo akong kausap, totoo yan... pero di ko naman alam na ganon pala kabilis ang mga pangyayari. Totoo rin, na magandang ganito nalang, at least nailigtas pa ko sa mas malaking pagkakasawi na posibleng mangyare; kung iba man ang storya ngayon. Nagpapasalamat narin ako.
Di ko lang mai-alis sa isip ko na siguro angdahilan kung kaya medyo nakurot ang puso ko eh ang katotohanan na naipamuka sakin na napalagpas kita....